HEALTH News – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang malaking pagbaba sa kaso ng leptospirosis sa bansa, mula sa halos 200 kaso kada araw noong unang linggo ng Agosto, bumagsak ito sa 10 kaso kada araw sa sumunod na linggo. Umabot sa 3,752 ang kabuuang bilang ng kaso mula Hunyo 8 hanggang Agosto 14.
Sa kabila ng pagbaba ng kaso, nananatiling bukas at aktibo ang 49 leptospirosis fast lanes sa mga DOH hospital. Patuloy din ang panawagan ng ahensya sa publiko na agad magpakonsulta kung nalantad sa baha o putik ngayong tag-ulan.
Samantala, bahagyang tumaas ang kaso ng dengue kasunod ng mga pag-ulan at bagyo noong Hulyo. Umabot sa 15,091 kaso mula Hulyo 13 hanggang 26, mas mataas ng 7% kumpara sa 14,131 kaso mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 12.
Nananatiling naka-alerto ang DOH at patuloy na bukas ang mga dengue fast lanes upang tugunan ang mga bagong kaso.