Mariing itinanggi ni dating House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez ang mga paratang ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na siya umano’y sangkot sa ilegal na sugal at pagtanggap ng malalaking halaga ng pera.
Ayon kay Romualdez, walang katotohanan at gawa-gawa lamang ang mga akusasyon. Tinawag niyang kathang-isip ang mga ulat tungkol sa umano’y mga maleta ng salaping ibinibigay sa kanya, at iginiit na wala pa ring malinaw na ebidensya na nagpapakita ng kanyang pagkakasangkot.
Binatikos din niya si Duterte sa pagpapakalat ng umano’y kasinungalingan, lalo na aniya’t may kinahaharap ding isyu sa politika ang bise presidente. Giit niya, hindi dapat paniwalaan ang mga alegasyon mula sa isang pinanggagalingang nawalan na ng kredibilidad.