-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na masusing pinaghahandaan ang Ati-Atihan Festival 2026.

Ayon kay Carla Suñer Doromal, Executive Assistant to the Office of the Municipal Mayor na ipinatawag na noong nakaraang linggo ng Tourism and Cultural Affairs Division  ang mga lider ng mga tribu na inaasahang sasali sa street dancing competition.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin umano nito na maagang mapaghandaan ang mga dapat gawin lalo na sa kanilang costume at pagtatanghal gayundin ang ruta na dadaanan.

Sa kasalukuyan aniya ay wala pang eksaktong pondo na nakalaan para sa iba’t-ibang activities ng festival.

Dagdag pa ni Suñer na katulad noong mga nakaraang taon, inaasahang dadagsang muli ang mga manonood kaya’t sinisiguro nilang bawat taon ay grandioso ang selebrasyon at mahigpit ang seguridad na ipinatutupad.

Sa kabilang daku, inaasahang sa ikalawang Sabado ng Oktubre gaganapin ang tatlong araw na masayang pagdiriwang ng Opening Salvo o countdown para sa Kalibo Señor Santo Niño Ati-Atihan Festival 2026.

Ilan sa mga malalaki at pinaka-sikat na mga celebrities ang maaring maimbitahan upang maging memorable ang event.

Kabilang sa gustong i-negotiate ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang muling pagbabalik ng bandang Sweet Notes at si Elias.

Simula Enero  11 hanggang  18, gaganapin ang Kalibo Señor Santo Niño Ati-Atihan Festival 2026, na itinuturing na isa sa largest festivals sa bansa at binansagang  “The Mother of All Festivals.”