-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Hindi mahulugan ng karayom ang mga deboto na dumalo sa pilgrim mass na ginanap sa St. John the Baptist Cathedral na pinangunahan ni Archbishop Jose Corazon Talaoc ng Diocese of Kalibo at Archbishop Marvin Maceda ng Diocese of Antique para sa kapyestahan ni Sr. Sto. Niño de Kalibo.

Sinamahan ng mga kaparian mula sa iba’t ibang bayan sa buong probinsya ng Aklan ang arsobispo sa ginanap na misa dakong alas-7:00 ng umaga.

Binigyang diin ni Archbishop Maceda na nagbigay ang Diyos ng pag-asa, pananampalataya at charity upang mas makilala siya nga lubos nga nakararami.

Kailangan din na sa Diyos ibigay ang paniniwala at hindi sa sarili lamang para maging matagumpay ang isa ag kay Sr. Sto. Nino De Kalibo lamang ang totoong pag-asa.

Maliban sa nasabing misa, magpapatuloy ang schedule of masses sa loob ng Kalibo Cathedral para sa mga hindi nakaabot ng pilgrim mass

-- ADVERTISEMENT --

Pagkatapos ng misa ay muling lumabas sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo ang 34 na mga tribu at grupo na sumali sa Sadsad Ati-Atihan Festival contest kahapon, araw ng Sabado at magpapatuloy naman ang street dancing ng iba pang mga grupo at indibidwal para sa sadsad panaad hanggang mamayang gabi.