-- ADVERTISEMENT --

Libo-libong katao ang dumalo sa mga rally laban sa immigration sa Sydney, Melbourne, Adelaide at iba pang lungsod, bagay na kinondena ng pamahalaan bilang pagkilos ng far-right na nagkakalat ng poot.

Ayon sa report, umabot sa 8,000 ang lumahok sa Sydney rally, habang nasa 15,000 naman ang nagtungo sa Adelaide kabilang ang mga kontra-protesta.

Nagkaroon ng sagupaan sa Melbourne kung saan nagsalita pa ang kilalang neo-Nazi na si Thomas Sewell.

Kabilang sa mga dumalo ang ilang oposisyonista tulad ni One Nation senator Pauline Hanson at MP Bob Katter.

May mga placards ding nagpahayag ng suporta sa isang “sovereign citizen” na akusado sa pagpatay ng dalawang pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Mariing tinuligsa ng gobyerno ang mga kilos-protesta, giit ni Home Affairs Minister Tony Burke at Multicultural Affairs Minister Anne Aly na walang lugar sa bansa ang rasismo at poot laban sa mga migranteng komunidad.