-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang mga detalye ng kanilang pinagsamang gender reveal at baby shower sa isang vlog sa kanilang joint YouTube channel, kung saan inanunsyo nilang babae ang kanilang magiging anak.

Isinagawa ang pribadong selebrasyon kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya, kabilang sina Carlo Aquino, Charlie Dizon, Jeffrey Tam, Jackie Gonzaga at iba pa, na nagpaabot ng suporta at pagbati sa mag-asawa.

Sa naturang video, ibinunyag din ang pangalan ng kanilang anak na si Runi Lior, na hango sana sa pangalan ni Ronnie matapos nilang akalaing lalaki ang sanggol. Nauna nang kinumpirma ng mag-asawa ang pagbubuntis noong Pasko 2025, ilang linggo matapos nilang ihayag ang kanilang kasal.