-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Petron at Solane ang panibagong round ng price rollbacks sa liquefied petroleum gas (LPG) products epektibo ngayong araw, Hulyo 1.

Sa magkahiwalay na advisory, sinabi ng Solane at Petron na kapwa sila magpapatupad ng bawas sa presyo na P1 kada kilo.

Ang pagbabago sa presyo ng LPG ay ipinatupad alas-12:01 ng madaling araw sa Petron at alas-6 ng umaga sa Solane.

Matatandaan na nagpatupad din ng price rollbacks ang dalawang LPG providers noong Hunyo.

-- ADVERTISEMENT --