-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Isang magazine ng armalite o M16 rifle na kargado ng kompletong 30 bala ang natagpuan ng isang basurero sa isa sa mga trash bin sa harap ng Barangay Hall sa Brgy. Andagao, Kalibo, dakong alas-8:00 ng umaga ng Miyerkules, Agosto 13, 2025.

Ayon kay Punong Barangay Juliet Melgarejo na nadiskubre ang isang caliber 5.56 magazine na may 30 rounds ng bala na nakapaloob sa isang pulang garbage bag na nakahalo sa iba pang mga basura habang nagsasagawa ng segregation ang kanilang garbage collector.

Matapos na makarating sa kanya ang pangyayari,  kaagad umano nila itong ini-report sa Kalibo Municipal Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.

Naniniwala umano siyang hindi sinasadya o aksidente lamang ang pagkakatapon sa naturang magazine na may kasamang mga bala.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung may naninirahang miyembro ng law enforcement unit sa lugar na maaring nagmamay-ari nito.

Isinasantabi rin niya ang posibilidad na isa itong paraan na takutin silang mga opisyal dahil wala aniya silang kaaway sa lugar.