-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016 na agad isinailalim sa inquest proceeding ang magkapatid at isang menor de edad na kasabwat makaraang maaresto dahil sa pagnanakaw diumano ng mga motorsiklo sa Batan, Aklan.

Naaresto at kasakuluyang nakakulong ang 44-anyos na kuya kasama ang 23-anyos na kapatid, kapwa residente ng Brgy. Dalipdip, Altavas habang nasa kustodiya ng MSWDO-Batan ang 17-anyos na binatilyo na residente ng Culasi, Antique, araw ng Sabado, Hulyo 26.

-- ADVERTISEMENT --

Nahuli ang mga ito sa kanilang hide-out sa Culasi, Antique sa isinagawang follow-up operation ng pinagsanib na pwersa ng Batan Municipal Police Station ag Culasi Municipal Police Station.

Naispatan sa lugar ang limang motorsiklo na napaulat na nawawala sa bayan ng Batan.

Ayon sa Batan MPS, sangkot rin umano ang magkapatid sa “rentangay” o pagtangay ng mga inuupahang motorsiklo sa Isla ng Boracay.