Nananawagan ang isang magsasaka mula sa Eastern Side ng Aklan matapos na makaranas ng pagbibitak-bitak ng kanilang palayan dahil walang natatanggap na patubig.
Ayon kay Jose Gonzales, magsasaka sa brgy. Briones, Kalibo, dahil sa pinaka-dulo ang kanilang lugar, pahirapang makarating sa kanial ang patubig lalo na’t kailangan ito ngayon ng mga magsasaka dahil panahon ng pag-aabono.
Kahit na may ginagamit silang water pump para mapatubigan kahit papaano ang kanilang palayan, nag-aalala rin siya sa iba pang mga magsasaka sa lugar.
Paliwanag niya na wag muna sanang i-schedule ng National Irrigation Administration (NIA) ang kanilang ginagawang Maintainance sa steel gate o kung pwedeng ipagpaliabn ito dahil kailangan ng mga magsasaka ngayon ang patubig.
Samantala sa kabilang dako, nilinaw din ni Gina Diongson, Presidente ng NABRICAMP IRRIGATORS at ALFIA na nagkaroon ng meeting sa gitna ng mga irrigators association (IA) at NIA at pinabati sila ng magkakaroon ng construction sa bahagi ng Banga.
Kailangan na rin uman niang magawa ito dahil may notice to proceed na sila at hinahanapan din ng central office na ma-tapos na ang nasabing proyekto.
Dagdag pa niya na napagusapan na rin nilang mga IA kung ano ang gagawing hakbang at ang napagkasunduan ay mula Hulyo 20, sisimulan na ang pag-sarado para maka-simula na ring gumawa ang mga conractor, napagkasunduan din umano na isang linggong sarado at isang linggong bukas ang magiging set up.
Nagkaroon din umano ng 1 week na water delivery mula Hulyo 28 hanggang Agosto 2 nagunit dahil sa tuloy-tuloy pag-init ng panahon kaya mabilis na natuyo ang mga lupa ng palayan.
Sa nagyon umano ay ang kanilang magagawa na lamang ay hilingin sa NIA na sa susunod na linggo ay ipagpapatuloy nalang muna ng hanggang dalawang linggo ang patugbig para maging sapat ag makaabot sa mga malalayong taniman.