-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa mahigit ₱10.6 milyon ang iniwang pinsala ng Bagyong Tino sa imprastraktura, agrikultura, at kabahayan sa buong lalawigan ng Aklan, batay sa pinakahuling damage assessment report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) as of 9:00 AM, araw ng Huwebes, Nobyembre 6, 2025.

Pinakamalaking bahagi ng pinsala ay naitala sa imprastraktura na umabot sa ₱9,128,000 milyon.

Ang bayan ng Nabas ang pinakanapuruhan, na may ₱9,058,000 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura.

Samantala, umabot sa ₱1.4 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang tinatayang nasa ₱125,000 naman ang tinamong pinsala sa lifelines.

-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang 121,823 katao mula sa 36,412 pamilya sa 311 barangay ang naapektuhan ng kalamidad.

Sa kabuuan, 912 kabahayan ang nasira sa probinsya, 892 ang bahagyang nasira at 20 ang tuluyang nawasak.

Samantala, isa ang naitalang sugatan sa bayan ng Kalibo.