-- ADVERTISEMENT --

Lumampas na sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa marahas na pagsugpo ng mga puwersa ng seguridad ng Iran sa malawakang mga protesta na sumiklab dahil sa pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa international human rights groups at mga opisyal ng gobyerno.

Ipinapakita ng mga ulat na kumalat ang mga kilos-protesta sa halos lahat ng lalawigan ng bansa at sinalubong ng puwersang militar, kasabay ng halos ganap na blackout ng internet at komunikasyon.

Nagpataw naman ang Estados Unidos ng karagdagang parusa laban sa Iran, habang iginiit ng mga human rights group na maaaring mas mataas pa ang aktuwal na bilang ng mga nasawi dahil sa limitadong impormasyon mula sa loob ng bansa.