-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Tinatayang higit 25,300 Pilipino kada taon ang nagkakaroon ng pancreatitis, isang kondisyon ng pamamaga ng pancreas o lapay. Bagama’t karamihan ay gumagaling sa wastong paggamot, 2 sa bawat 10 pasyente ang nagkakaroon ng seryosong komplikasyon tulad ng diabetes at mas mataas na panganib sa pancreatic cancer.

Ang paulit-ulit at pangmatagalang pamamaga ay maaaring magdulot ng pagbabago sa DNA ng pancreas, na nagreresulta sa pancreatic cancer, tinaguriang “silent killer” dahil kadalasan natutuklasan lamang sa advanced stage.

Upang maiwasan ang pancreatitis at pancreatic cancer, mahalaga ang maagang pagkilala sa sintomas, agarang pagpapatingin sa doktor, pagtigil sa paninigarilyo at alak, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng balanseng pagkain at regular na ehersisyo.

Bagama’t tahimik ang pancreas sa kanyang gawain, napakahalaga nito sa digestion at pagkontrol ng blood sugar, kaya’t hindi dapat ito balewalain.