-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paghahanap ng mga rescuer sa Sokoto State, hilagang Nigeria, matapos tumaob ang isang bangka na may sakay na mahigit 50 katao sa ilog ng Goronyo noong Linggo.

Ayon sa National Emergency Management Agency (NEMA), apat lamang ang natagpuang buhay habang mahigit 40 pa ang pinaghahanap.

Nagsasagawa na ng pagsisid at mas pinaiigting ang operasyon kasama ang lokal na pamahalaan.

Karaniwang nangyayari ang ganitong insidente sa Nigeria dahil sa sobrang sakay, luma o sira-sirang bangka, at kakulangan sa pagpapatupad ng safety regulations.

Noong Disyembre 2024, 54 na bangkay ang narekober mula sa ilog ng Niger matapos tumaob ang bangkang may mahigit 200 sakay.

-- ADVERTISEMENT --

Halos 200 naman ang nasawi sa parehong ilog noong Nobyembre matapos lumubog ang isang kahoy na bangka na may halos 300 pasahero.

Bagama’t may batas na nag-oobliga sa paggamit ng life jacket, marami pa ring pasahero ang hindi nakakagamit nito, lalo na sa malalayong probinsya.