Mahigit 400,000 katao ang apektado ng Tropical Storm Basyang, na nagdulot ng libu-libong paglikas sa mga evacuation centers, ayon sa NDRRMC.
Sa ulat noong Linggo ng umaga, tinatayang 467,242 katao o 131,961 pamilya ang naapektuhan. Kabilang dito ang 16,297 na nasa evacuation centers at 25,822 na nasa labas ng mga ito. Tatlong pagkamatay ang naitala, habang naiulat din ang pagkasira ng 38 bahay at partial na pinsala sa 407 na bahay.
Suspendido rin ang 306 klase at trabaho sa 113 lungsod at munisipyo sa Region 6, Negros Island Region, Region 7, at CARAGA. Apektado rin ang 82 seaports, na nagdulot ng pagka-stranded ng 2,030 pasahero, 884 rolling cargo, 104 barko, at 20 motorbanca.
Naglaan ang pamahalaan ng P18.34 milyon na tulong para sa mga apektadong pamilya at indibidwal.













