Umabot na sa 4,241 OFWs at kanilang dependents ang na-repatriate ng pamahalaan mula sa Gitnang Silangan dahil sa digmaan. Pinakamalaki ang bilang ng dumating sa isang araw matapos ang pagdating ng 344 repatriates sakay ng ikapitong chartered flight noong Abril 3 sa Villamor Air Base sa Pasay.
Kabilang sa mga dumating ang 228 OFWs, 68 dependents, at 48 stranded Filipinos. Nauna ring dumating ang 244 OFWs mula Bahrain sa NAIA matapos ang tatlong araw na biyahe.
Inaasahan pang madaragdagan ang mga uuwi sa mga susunod na araw, habang tinatayang 1,500 OFWs pa ang naghihintay ng repatriation. Patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa mga host country at nakahanda ang tulong tulad ng tirahan, kabuhayan, at job matching para sa mga umuwing manggagawa.













