-- ADVERTISEMENT --

Maghanda na ang mga motorista sa panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw ng trading, inaasahang magiging ganito ang dagdag-presyo:

Gasolina: humigit-kumulang ₱1.50 kada litro

Diesel: humigit-kumulang ₱1.00 kada litro

-- ADVERTISEMENT --

Kerosene: humigit-kumulang ₱0.80 kada litro

Ang inaasahang pagtaas ay dulot ng mga kaganapan sa pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang pangamba sa supply disruption bunsod ng bagong sanction ng US sa langis mula Russia at Iran, at positibong pananaw sa ekonomiya matapos ang US-EU trade deal.

Iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa Lunes, na magiging epektibo kinabukasan.