Tinatayang aabot sa mahigit P450,000 pesos ang halaga ng danyos kasunod sa pagkasunog ng pangalawang palapag ng isang dalawng gradong bahay sa Zamora St. Brgy. Poblacion, Nabas, Huwebes ng umaga, Hunyo 26, 2025.
Ayon kay FO2 Mark Jerome Mabacquiao, OIC Chief Investigator it Bureau of Fire Protection o BFP Nabas, may nagbigay umano ng impormasyon sa kanilang opisina na may nasusunog na bahay kung saan sa kanilang pagresponde ay malaki na ang apoy.
Agad nilang inapula ng apoy kung saan nakita na sa pangalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Criselda Alamis, 48-anyos, isang guro at residente ng nasabing lugar nanggagaling ang apoy.
Dagdag pa ni FO2 Mabacquiao, sa tatlong kwarto na magkasunod ay nasa gitnang kwarto nanggaling ang apoy at nadamay lamang ang dalawang katabing kwarto.
Wala umanong tao nang mangyari ang insidente kung saan patuloy pa ang kanilang imbestigasyon para malaman kung ano ang pinanggalingan ng apoy na nagdala ng pinsala sa istraktura at iba pang kagamitan ng may-ari ng bahay.