Nawalan ng malay ang mga estudyante sa dalawang paaralan sa Sibalom, Antique matapos umanong makalanghap ng kemikal.
Ang mga biktima ay nagmula sa Pis-anan National High School at Pis-anan Central School.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa isang guro ng Pis-anan National High School sa Antique, dakong alas-9 ng umaga ng Miyerkules, Hulyo 2, sinasabing nakalanghap ang mga mag-aaral ng isang uri ng insecticide.
Kasunod nito, nakaramdam ang mga estudyante it pagkahilo at pananakit ng dibdib.
Tinatayang 50 mga estudyante ang hinimatay, kaya’t nasa lima ambulansya ang pabalik-balik sa paaralan.
Rumesponde rin sa lugar ang BFP, MDRRMO, PNP at ibang volunteers na nagsagawa ng first aid sa mga naapektuhang estudyante.
Nabatid na napapalibutan ng palayan ang naturang mga paaralan.
Pansamantalang sinuspinde ang klase dahil sa pangyayari.