-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Mahigit sa P3.6 milyon ang inilaang kabuuang premyo para sa mga mananalo sa tribal competition ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2026, araw ng Sabado sa bisperas ng kapistahan ni Sr. Sto. Niño de Kalibo.

Nananatili sa  ₱1.1 milyon  ang grand prize para sa Tribal Big Category sa  Sadsad Ati-Atihan Contest batay sa naging kumpirmasyon ng Kalibo Ati-Atihan Festival Board (KAFEB).

Ang first runner-up ay tatanggap ng ₱400,000; second runner-up, ₱170,000; third runner-up, ₱70,000; fourth runner-up, ₱60,000; fifth runner-up, ₱50,000; at sixth runner-up, ₱40,000.

Malalaman sa araw ng Linggo kung nadepensahan ng defending champion na Tribu Linabuanon ang kanilang titulo sa muling pagsabak sa  Tribal Big Category ng street dancing competition ng Kalibo Sr. Santo Niño Ati-Atihan Festival.

Nauna nang inihayag sa Bombo Radyo ni  Jay-ar Lachica, isa sa mga miyembro ng grupo,  pagtungtong pa lamang ng Hulyo ay nagsimula na silang maghanap ng mga materyales para sa kanilang costume kung saan, ilan sa mga ito ay nabili pa nila mula sa iba’t ibang lugar upang mas pang mapaganda ang kanilang design.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang kampeon sa Tribal Small Category ay tatanggap ng ₱200,000.

Ang first runner-up ay makakuha ng ₱120,000 at ang second runner-up ay ₱80,000.

Ang ikatlong pwesto ay may ₱60,000; ika-apat, ₱45,000; ika-lima, ₱40,000; at ika-anim, ₱35,000.

Para naman sa Modern Tribal Category, ang grand winner ay tatanggap ng ₱165,000.

Ang first runner-up ay ₱100,000; second runner-up, ₱70,000; third runner-up, ₱50,000; fourth runner-up, ₱45,000; fifth, ₱40,000; at sixth, ₱35,000.

Ang seventh, eighth, at ninth runner-up ay makakatanggap ng tig-₱30,000.

Sa Traditional Ati Category, ang grand winner ay makakuha ng ₱145,000.

Ang second placer ay ₱90,000; third placer, ₱70,000; fourth placer, ₱45,000; fifth, ₱40,000; sixth, ₱35,000; at seventh placer, ₱20,000.

Ang mga mananalo sa Special Awards sa bawat kategorya ay tatanggap ng tig-₱5,000, kasama ang Best in Kalibo Ati-Atihan Headdress, Costume, Street Dancing, Beats and Sounds, at Ati-Atihan Tribe/Group.

Gaganapin ang awarding ceremony sa Enero 18, dakong alas-9:00 ng gabi sa Kalibo Magsaysay Park sa pormal na  pagtapos ng isang makolor at masayang isang linggong selebrasyon.