-- ADVERTISEMENT --
Inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill 2599 na naglalayong itakda ang isang pambansang minimum wage na PHP1,200 para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Layon ng panukala na amyendahan ang Labor Code sa pamamagitan ng pagbuwag sa kasalukuyang Regional Wage Boards at pagtatatag ng National Wages and Productivity Board bilang pumalit.
Kasama rin sa panukala ang pagtatakda ng minimum na sahod na makasasapat sa pangunahing pangangailangan ng isang manggagawa at ng kanyang pamilya, upang matiyak ang disenteng pamumuhay sa lahat ng rehiyon.
Ang panukalang ito ay inihain kasunod ng pagkabigo ng PHP200 dagdag-sahod na maipasa sa ika-19 na Kongreso.