-- ADVERTISEMENT --

MAKATO, Aklan — May mga  anggulo ng tinututukan ang kapulisan kaugnay sa pagbaril-patay sa 46 anyos na ginang habang natutulog sa loob mismo ng kanilang pamamahay sa Barangay Poblacion, Makato, araw ng Linggo, Hulyo 6, 2025.

Ngunit, tumanggi muna si P/Capt. Garnet Villaruel, acting Chief of police ng Makato Municipal Police Station na ibunyag ang mga ito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagpanguna ng Scene of the Crime Operative (SOCO).

Aniya, kasalukuyang sinusuri ng mga imbestigador ang nakalap na mga CCTV footages malapit sa lugar upang matukoy kung nag-uugnay ito sa anggulo na kanilang tinututukan.

Maliban dito, hindi pa matukoy ang totoong motibo sa pagpatay sa biktima.

Kinumpirma rin ni Villaruel na kabilang sa iniimbistigahan ay ang live-in partner ng babae at ang nawawalang cellphone nito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang dako,  plano ng kapulisan na humingi ng tulong pinansiyal sa lokal na pamahalaan ng Makato upang maisailalim sa autopsy ang labi ng biktima upang matukoy ang dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Samantala, nakuha sa crime scene ang mga basyo at fired catridges ng .45 na baril.

Nakita rin sa paligid ng kanilang bahay ang mga footprints na kasama sa iniimbestigahan.

Maituring umano na isolated case ang insidente.

Base sa report, ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang kanang bahagi ng pisngi.

Nagisnan na lamang ng kaniyang live in partner na naliligo na ito sa kaniyang sariling dugo.

Sinasabing dakong alas 12:00 ng hating gabi nang makarinig ng putok ang kanilang pamilya ngunit binaliwala lamang nila ito sa paniniwala na pumutok lamang na transformer ng kuryente at nang walang mapansin na komosyon sa labas ay bumalik ang mga ito sa kanilang pagtulog.