Tinanggihan ng Malacañang ang mga alegasyong nag-uugnay sa ₱7.5 bilyong pondo ng gobyerno sa Office of the Executive Secretary (OES), at iginiit na ang mga ito ay walang basehan at nakasalalay sa hindi pa beripikadong dokumento.
Ayon sa Palasyo, hindi napatutunayan ang tinaguriang “Cabral files” na iniuugnay sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways para sa 2025, at wala ring ebidensiya ng anomalya. Nilinaw rin na ang isyu sa flood control projects ay hiwalay at hindi konektado sa anumang posibleng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ng Malacañang na hindi ito makikialam sa mga deliberasyon ng Kongreso at ang anumang hakbang sa impeachment ay nakasalalay sa pagpapasya ng mga mambabatas batay sa ebidensiya at umiiral na batas.













