Itinanggi ng Malacañang ang alegasyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinusuportahan ng gobyerno ang kanyang kahilingan para sa pansamantalang paglaya mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
Ang pahayag ay tugon sa dokumentong inihain ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman sa ICC Pre-Trial Chamber 1, kung saan binanggit umano ang posisyon ng pamahalaan batay sa pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro.
Nilinaw ng Palasyo na maling interpretasyon ito, at iginiit ni Castro na walang kinalaman ang administrasyong Marcos sa kaso ni Duterte. Tiniyak din ng pamahalaan na igagalang nito ang anumang desisyon ng ICC.
Si Duterte ay nahaharap sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng pagkamatay ng 78 katao sa ilalim ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.