-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na anunsyo ukol sa umano’y energy lockdown sa Abril 20, 2026, at tinukoy itong fake news kahit pa gumagamit ng logo ng Department of Energy (DOE).

Lumabas sa maling advisory ang panawagan sa publiko na maghanda ng mga suplay tulad ng pagkain, ilaw, at iba pang kagamitan, ngunit nilinaw ng pamahalaan na walang planong ipatupad na ganitong hakbang.

Kasabay nito, tiniyak ng gobyerno ang patuloy na hakbang upang masiguro ang sapat na suplay ng langis mula sa ibang bansa sa gitna ng umiiral na tensyon sa labas ng bansa.