Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo ang Department of Health (DOH) para mabayaran ang mga claims ng mga pribadong ospital para sa mga serbisyong ibinigay sa mga indigent at financially incapacitated na pasyente.
Sa isang press briefing, nilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga ulat na ilang health facilities ay tumigil na sa pagtanggap ng mga guarantee letter mula sa gobyerno para sa hospital bills ng mga pasyenteng walang kakayahang magbayad. Ayon kay Castro, 39 na pribadong ospital sa Batangas lamang ang nakakaranas ng isyu sa guarantee letters dulot ng kakulangan o pagkawala ng mga dokumento.
Inassure ni Castro na walang problema ang gobyerno sa pagbabayad ng mga hospital bills ng mga pasyente na sakop ng guarantee letters.