Unti-unting nabawasan ang malawakang kilos-protesta sa bansang Indonesia matapos na nagkaroon ng ilang kasunduan sa gitna ng pamahalaan, ilang youth groups at mga pinuno ng labor movements.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Mark Jason Garcia sa Jakarta, Indonesia, nabuo sa pag-uusap ang tinatawag na 17+8 movement kung saan, nakapaloob dito ang mga demands ng mamamayan kapalit ang kapayapaan.
Ipinaliwanag ni Garcia, ang 17 aniya ay listahan ng mga mabilisang aksyon na nais mangyari ng mga protesters at ang 8 naman ay ang pangmatagalang solusyon sa kanilang apela sa gobyerno na masawata ang korapsyon.
Sinuspinde na rin umano ang sobrang benepisyo ng mga kawani ng House of Representatives at pansamantalang itinigil ang kanilang mga foreign trips.
Samantala, bubuo si Indonesian president Prabowo Subianto ng “fact finding team” para imbestigahan ang mapaminsalang pagpasok at pagsira ng mga kagamitan sa loob ng bahay na pagpamamay-ari ng mga miyembro ng house of representatives.