Umapela si dating Malay Sangguniang Bayan member Nenette Aguirre-Graf na panatilihin ang pagiging historical at culture sa mga tanawin sa Lapus-lapus sa isla ng Boracay.
Ito ay kasunod sa paggamit ng bagong pangalan na “Boracay Keyhole” na ipino-promote ng Boracay New Coast na sakop na nila ang nasabing lugar matapos ng nabili at naprivitize ang area.
Ayon kay Graf, may resolusyon siya noon tungkol dito para mapanatili ang tawag dito na “Lapus-Lapus” nga mula pa mismo sa mga native.
Ang Lapus-lapus na tinatawag ng mga native na nangangahulugansa tagalog na “tagusan” o “pass-through,” sa English ay bahagi ng kasaysayan at identity ng isla.
Dagdag pa dito, ang pagbibigay ng bagong pangalan ay hindi masama ngunit hindi sana mabawasan ang pride at sense of ownership ng kasalukuyang henerasyon ng mga Boracaynon.
Pinanindigan din niya ang hilway na access sa nasabing lugar para sana panatilihin na protektado kahit sa pangalan lamang na binuo ng mga native.
Ang nasabing area ay isa na ngayon makaron mga tourist attraction na makikita sa Boracay New Coast.