-- ADVERTISEMENT --

Inilantad ni dating Ako Bicol representative Zaldy Co ang umano’y mga larawan ng male-maletang pera na aniya’y personal niyang idineliver, kasama ang kaniyang mga tauhan, kina Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Co, ang mga naturang deliveries ay isinagawa mula Forbes Park hanggang sa Malacañang.

Ipinakita niya ang mga larawan sa ikalawang bahagi ng kanyang video message na tumatalakay sa umano’y utos ni Pangulong Marcos na naglalaman ng P100 bilyong insertions sa 2025 national budget.

Sinabi pa nito na totoo ang mga unang rebelasyon ng retiradong Marines Orly Guteza.

-- ADVERTISEMENT --

Sa naunang bahagi ng kanyang video message, ibinunyag ni Co ang umano’y anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects, na sinasabing may kinalaman sa malalaking budget insertions.

Ang alegasyon ay nakatuon sa umano’y P100 bilyong dagdag na pondo sa national budget para sa 2025, na iniuugnay sa magpinsang Marcos at Romualdez.

Pero ang mga pahayag ni Co ay nagbukas ng mas malawak na diskusyon hinggil sa transparency at accountability sa pamahalaan, lalo na sa proseso ng budget allocation.

Si Co ay dati ring nasangkot sa mga kontrobersiya kaugnay ng infrastructure projects at umano’y anomalya sa paggamit ng pondo, dahilan upang mas lalong mabigyan ng bigat ang kanyang mga bagong rebelasyon.

Ang mga inilabas na larawan ng male-maletang pera ay nagdulot ng matinding interes at pangamba sa publiko, na ngayon ay naghihintay ng tugon mula sa Malacañang at sa kampo ni Romualdez.