-- ADVERTISEMENT --

Itinuturing na malaking hamon pa rin ang malnutrisyon sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Philip Ian Prieto Padilla, professor of microbiology, ang malnutrisyon ang matagal nang problema ng Pilipinas sa kabila ng mga hakbang at programa na ginagawa para matugunan ito.

Ang gusto umanong obserbahan ngayon ng UNICEF, WHO, at DOH sa pag-alala ng National Nutrition Month ay tinatawag na “First one thousand days” o F1KD kung saan layunin nito na ipahiwatig na hindi lamang pagkain ang sagot sa malnutrisyon kundi kailangan na mag-simula sa pagbubuntis palang ng isang ina.

Sa pagdiriwang ng nutrition month, nandyan ang pag-alala sa tinatawag na “Go,Grow and Glow” kung saan ang “Go” ay para sa enerhiya, “Grow” ay protina, at “Glow” ay mga taba o langis .

May standard din umano na measurement na tinatawag na “platong pinoy”, na naghahati sa iba’t ibang portion ng pagkain.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Dr. Padilla na 3 out of 10 filipino children under 5 ay stunted o kinulang sa taas sa standard ng kanilang edad, habang 2 out of 10 ay wasted o mapayat.

Gayunpaman, kung sobra naman ang pag consume ng mga nasabing pagkain ay mahuhulog ito sa pagiging obese o overweight ng mga bata.

Tinitingnan umanong nagngungunang rason kung bakit maeraming mga malnourish sa bansa ay dahil hindi kinakaya ng mga magulang ang pagbili ng mga nararapat na pagkain.