Naglabas ng pahayag si Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng 60 araw na suspensyon kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Ayon kay Marcoleta, ang naturang hatol ay isang reaksyon sa pagbibigay-pansin ni Barzaga sa mas malalim, matagal nang problema na nangangailangan umano ng pagsisiyasat ng publiko.
“When a governing body stretches the concept of “ethics” to include criticism of systemic shortcomings, it transforms an oversight mechanism into a tool of political control,” aniya.
Dagdag pa ng senador, malinaw na ang mga social media posts ni Barzaga ay para sa kamalayan ng publiko at paggamit ng ‘humor and commentary’ upang bigyang-pansin ang mga isyu.
“By responding with punitive action instead of engagement, the Committee signals an unwillingness to confront these systemic problems, shielding the very ills that Rep. Kiko Barzaga sought to expose,” saad ni Marcoleta.













