KALIBO, Aklan—Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makapag-iwan ng mga kongkretong pagbabago sa bansa para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Ito ang sinabi ni Atty. Axel Gonzales, isang kilalang abogado kasunod ng ‘Mahiya naman kayo’ remarks ng Pangulo sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address o SONA.
Pinuri umano at pinalakpakan ang matapang nitong pahayag laban sa mga korap na opisyal at empleyado ng pamahalaan na nagnanakaw ng pondo na nakalaan para sa infrastructure projects kagaya sa mga iregularidad sa flood control projects.
Aniya, kailangan nang magpakitang gilas ni Marcos dahil nasa third half na siya ng kanyang termino at upang mapa-angat ang Marcos legacy kung saan kilala ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos na isang malakas at may paninindigang lider.
Ayon kay Atty Gonzales nabansagan si Bongbong na kulang sa diskarte matapos na matalo ang karamihan sa kandidato ng kanyang administrasyon sa nakaraang eleksyon.