-- ADVERTISEMENT --
Bumaba ng halos 9% ang business name registrations at renewals sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Hulyo, naitala sa 79,317 mula 87,059 noong nakaraang taon.
Mas malaki ang pagbagsak kumpara sa 5.3% na pagbaba noong Hunyo.
Pinakamalaking ambag pa rin ang wholesale at retail trade na may 40,720 entries o 51.3% ng kabuuan, pero bumaba ng 12.7%.
Kasunod ang accommodation at food services (10,255 entries, -16.9%), manufacturing (4,070, -8.3%), real estate (3,086, -6.6%), at transportation and storage (3,245, -7%).
Nanguna sa dami ng rehistradong negosyo ang Region IV-A (14,719), sinundan ng NCR (13,101) at Region III (10,953).
-- ADVERTISEMENT --
Noong 2024, umabot sa 1.06 milyon ang kabuuang rehistrasyon at renewals, mas mataas ng 7.9% kumpara sa 2023.