Nanawagan ang Department of Health (DOH) na magpatupad ng mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad sa mga ospital kasunod ng dalawang kamakailang kaso ng pagdukot ng bagong silang sa Maynila at Lungsod ng Marikina.
Sa isang press conference sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina nitong Martes, Disyembre 30, sinabi ng DOH na pinag-aaralan nila na magpatupad ng mga protocol na katulad ng Amber at Silver alerts ng Amerika.
Ang Amber alert o ang “America’s Missing: Broadcast Emergency Response” ay isang child abduction notification system na nagkokonekta sa law enforcement sa broadcast media communication providers at transportaion agencies kaugnay sa kamakailang kaso ng nawawalang mga bata.
Ang Silver alerts ay nag-ooperate nang katulad para sa mga nawawalang matatanda o mga indibidwal na may kapansanan sa pag-iisip.
Sinabi ni Herbosa na bagaman ang mga patakarang ito upang hanapin ang mga nawawalang indibidual ay hindi bago, may mga suspek na nag-aabuso sa mas maluwag na mga patakaran at mga hakbang sa seguridad dahil sa skeletal workforce sa gitna ng holiday season.
Kabilang sa mga mas mahigpit na protocol na pinaplano ni Herbosa na ipatupad ay ang mas mahigpit na mga protocol sa pagpasok at paglabas sa mga ospital, kasama ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga mandato sa ID.
Ayon sa Marikina Police, ipinakita ng CCTV footage na ang babaeng suspek na nakasuot ng scrub suit ay lumapit sa ina sa 4th floor habang nagpapanggap na isang nurse.
Matapos makuha ang bata, inilagay umano ng suspek ito sa isang bassinet at tumakas sa pamamagitan ng emergency room.
Siya ay natunton na sumakay ng isang tricycle patungo sa isang kalapit na mall, at sumakay ng isa pang kotse patungo sa isang ospital sa Pasig City, kung saan siya ay kinuha ng kanyang boyfriend.
Noong Disyembre 29, isang pagtatangka ng pagkidnap ang naiulat naman bandang hatinggabi sa Tondo Medical Center.
Ibinahagi ni Tondo Medical Center Chief II Dr. Maria Isabelita Estrella na nahuli ng isang nurse ang suspek na kumukuha ng sanggol mula sa ina para sa isa umano’y newborn screening habang nagpapanggap na isang medical staff.
Sinabi ng pulisya na ang suspek ay kamakailan lamang nagkaroon ng isang miscarriage, na nagtulak sa kanya upang gawin ang krimen.
Ang suspek at ang kanyang boyfriend ay haharap sa mga kaso para sa pagkidnap at pagkabigo na ibalik ang isang menor de edad.













