-- ADVERTISEMENT --
Nangako si House Speaker Martin Romualdez na tututukan ang pagpapabuti ng internet access sa buong bansa sa pamamagitan ng sapat na pondo sa 2026 national budget para sa mga proyekto ng digital infrastructure ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kabilang dito ang middle-mile network, GovNet at libreng public WiFi program.
Sa paglulunsad ng National Fiber Backbone Project phases 2 at 3 sa Palo, Leyte, target na makakonekta ang 1,000 tanggapan ng gobyerno at 20 lalawigan, na makikinabang ang 17 milyong Pilipino.
Kasama ni Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing event, kung saan inilunsad din ang libreng WiFi sa MacArthur Landing Memorial National Park.