Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa magdedesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang total ban sa online gambling habang pinag-aaralan pa ang magiging epekto nito sa ekonomiya at lipunan.

Kasunod ito ng panawagan ng ilang mambabatas na ipagbawal ang online sugal dahil sa lumalalang kaso ng pagkaadik. Ayon sa Malacañang, kailangang matukoy muna kung ang problema ay mula sa legal o illegal na gambling platforms.

Batay sa datos ng PAGCOR, umabot sa ₱410 bilyon ang gross gaming revenue noong 2024, kabilang ang ₱154.41 bilyon mula sa e-games at e-bingo. Kaya’t binibigyang-diin ng Palasyo ang malaking ambag ng industriya sa kita ng pamahalaan.

Samantala, ipinahinto ng PAGCOR ang mga outdoor gambling ads at lumagda sa kasunduan sa Ad Standards Council para higpitan ang regulasyon ng sugal sa media. Inatasan rin ng DICT ang mga influencer na alisin ang illegal gambling content, habang mahigit 7,000 ilegal na online gambling sites na ang naipasara.