KALIBO, Aklan — Bunsod ng malakas na hanging dulot ng Bagyong Tino, nabuwal ang halos matanda nang puno ng acacia na bumagsak sa dalawang palapag na bahay na gawa sa concrete at light materials bandang alas-3:00 ng madaling araw ng Martes, Nobyembre 4 sa Brgy. Mobo, Kalibo, Aklan.
Ayon kay Gina Baticbatic, may-ari ng bahay na naganap ang insidente habang nasa gitna ng mahimbing na pagtulog ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.
Sa mabuting palad aniya at hindi nabagsakan ang kanyang 21-anyos na anak na dalaga na natutulog sa itaas na bahagi ng kanilang bahay malapit sa nabuwal na puno.
Malaki ang pasasalamat ng pamilya dahil maliit na sugat lamang ang natamo ng kanyang anak sa ulo na tinamaan ng tumalsik na tipak ng hollow blocks.
Pinaniniwalaang ilang taon nang nakatayo ang puno ng acacia dahil paslit pa lamang umano siya ay andiyan na ang puno.
Aniya, hindi nila ito ginagalaw dahil sa takot na pinamamahayan ito ng lamang lupa.
Isang kwarto sa itaas at kanilang sala ang nasira sa insidente.
Nagtulong-tulong ang buong mag-anak sa pagsagawa ng clearing operation.
VC…cue out…si Gina Baticbatic, may-ari ng bahay
Sa kabilang daku, sinabi ni Mary Gay Baticbatic na matapos ang malakas na hangin ay naramdaman na lamang niya na may tumama sa kanyang ulo.
Nang tingnan ay bumagsak na pala malapit sa kanyang kwarto ang puno ng acacia.
		
			












