-- ADVERTISEMENT --
Sa wakas, matatawag na ng isang 59-anyos na examinee ang kanyang sarili na attorney nang makapasa sa 2025 Bar Examinations matapos sumubok nang 11 beses.
Nagbigay ng simpleng payo si Eduardo Rivera Regio sa mga nangangarap ding maging abogado na huwag tumigil sa kanilang pangarap sa buhay dahil “Hangga’t buhay may pag-asa.” aniya.
Nag-udyok daw sa kanya na subukan nang subukan ang pagsusulit dahil aniya, wala namang mawawala.
Bukod sa sarili niyang pangarap, nais din daw niyang ma-inspire ang kanyang mga anak na mag-aral ng abogasya.
-- ADVERTISEMENT --
Ang kuwento ni Eduardo ay patunay na walang edad o limitasyon sa pagtupad ng pangarap.













