-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang dose-dosenang wildfire sa Timog Europa habang pumapalo sa mahigit 40°C ang temperatura, na nagdulot ng malawakang paglikas at panganib sa kalusugan.

Sa Spain, higit 6,000 katao ang lumikas mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang Castile at Leon at Andalusia.

Umabot sa halos 1,000 sundalo ang ipinadala upang tumulong sa pag-apula ng apoy.

Dalawang katao, kabilang ang isang bata, ang nasawi dahil sa init at sunog.

Sa Portugal, tatlong malaking sunog ang inaapula kung saan, nagpaabot ng tulong ang Morocco matapos masira ang ilang firefighting aircraft.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Italy naman nakapagtala ng higit 40°C at red heat alerts sa 16 lungsod; isang apat na taong batang Romanian ang namatay sa heatstroke.

Sa France, halos 3/4 ng bansa ay nasa heat alert, habang 80 weather stations ang nakapagtala ng sobrang init ng panahon.

Sunog rin ang sumiklab sa Greece, Turkey, Albania, Croatia, at Montenegro, na nagdulot ng pagkasira ng mga bahay at paglikas ng mga residente at turista.

Ayon sa mga siyentipiko, ang mas mas mainit na tag-init na dulot ng climate change ay nagpapalakas ng wildfire season sa Mediterranean.