-- ADVERTISEMENT --

Nananatiling nakaalerto ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO Kalibo kaugnay sa takbo nga panahon.

Ito ay matapos bahain ang ilang bayan lalo na ang mga low lying areas na malapit sa Aklan river.

Natukoy na catch basin ng tubig-baha ang bayan ng Kalibo mula sa mga bukid na bayan.

Dahil dito, inabisuhan ng Kalibo MDRRMO head Terrence June Toriano ang publiko na hindi dapat magpa-kampante kahit na walang malakas na ulan na nararanasan.

Ang Aklan ay nasa ilalim ng epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Crising dahilan na posible parin ang katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan na may peligro parin ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Toriano na palaging nakabantay sa mga abiso kaugnay sa takbo nga panahon dahil ang maagang paghahanda ay akaliligtas ng buhay o mismong sarili at maging ang mga propyedad.

Ugaliin na umano na maging alerto lalo na sa panahon ng kalamidad.

Nabatid na binaha ang mga mabababang lugar sa bayan ng Madalag at Ibajay na nagdulot ng kasiraan sa masobra 300 na mga apektadong pamilya.