Nagpalabas ng abiso ang Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO) ngLGU Kalibo sa mga stallholder na kailangan nang bayaran ang kanilang mga nadelay na bayarin o utang sa stall rentals para maiwasan ang anumang aberya sa paglipat sa bagong public market ng bayan.
Ayon kay Ms. Mary Gay Joel, head ng MEEDO, bago paman lumipat sa bagong relocation site ng tindahan, napagkasundan nang hindi sila makakalipat sa bagong public market kung hindi nila mase-settle ang kanilang utang sa LGU Kalibo.
Dahil dito, minabuti ng kanilang taggapan na habang maaga pa ay patuloy na nilang ipinapaalala sa mga may-ari ng stalls nga asikasuhin na ito para hindi na dumami pa ang kanilang mga bayarin.
Naiintindihan din naman umano nang kanilang opisina ang kalakaran sa negosyo at ang pabago-bagong kita sa araw-araw, ngunit iginiit nilang posibleng maapektuhan ang operasyon kung hindi ito masosolusyunan.
Batay sa record ng MEEDO, umabot na sa mahigit ₱8 milyon ang kabuoang utang ng mga stallholder, mula sa mahigit 140 delinquency accounts na kinakailangan nang masettle.
Dahil dito, pinaigiting pa ng MEEDO ang kanilang kampanya sa pagpapaalala na bayaran na ang mga utang, kahit unti-unti o installment, para matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng kanilang negosyo sa bagong tindahan ng bayan.