-- ADVERTISEMENT --

Lubos na nalungkot at dismayado ang iba’t ibang grupo, asosasyon at organisasyon na nagpursige sa pagsulong nga i-impeach si Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos na nagdesisyon ang Senado na i-archive ang impeachment case laban sa bise presidente.

Ayon kay former Alliance for Concerned Teachers (ACT) Partylist representative France Castro, maituturing na “good as dead” na ang reklamo laban kay Duterte.

Pinatay na umano ng Senado ang karapatan ng mamamayan na marinig ang sagot ng akusadong opisyal.

Gayunpaman, umaasa sila sa pinal na desisyon ng Supreme Court sa mga inihaing motion for reconsideration at motion to intervene.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatud na ang hakbang ng Senado ay bilang tugon sa executory decision ng Korte Suprema sa pagbasura sa impeachment complaints.

Nakakuha ng kabuoang boto na 19 na Senador ang pumayag na i-archive na ang kaso habang may apat ang kumontra at isa naman ang nag-abstain.

Maaalala na sa deliberasyon sa plenaryo, unang hiniling ni Sen. Marcoleta na ibasura nalang ang impeachment case laban kay VP Duterte hanggang sa pumayag na lang itong i-archive ang kaso.