-- ADVERTISEMENT --

Tuwing dumadating ang araw ng Lunes,  nararamdaman natin ang tinatawag na “Monday sickness” o  kaba, antok, at kawalan ng gana.

Para mas maging magaan ang simula ng linggo, narito ang ilang simpleng health tips:

Ayusin ang tulog —  matulog at gumising sa pare-parehong oras, kahit weekend.  Makakatulong ito para hindi ka hirap bumangon tuwing Lunes.

Ihanda ang gamit sa gabi — bawasan ang stress sa umaga sa pamamagitan ng pag-aayos ng uniform, bag, at schedule bago matulog.

-- ADVERTISEMENT --

Kumain ng tamang almusal — simulan ang araw sa masustansiyang pagkain, iwas sa matatamis, piliin ang whole grains, prutas, at protina para sa energy.

Ang “Monday sickness” Ay hindi kailangang maging panghabambuhay na cycle. Sa tulong ng tamang lifestyle at mental preparation, maaari itong maagapan.