The Korean flag hanging in a high-rise building
-- ADVERTISEMENT --

South Korea — Matapos ang 17 buwang boykot, magbabalik na sa klase ang libu-libong mga estudyante ng medisina sa South Korea.

Ang boykot ay nagsimula bilang pagtutol sa mga plano ng gobyerno na dagdagan ang bilang ng mga mag-aaral sa mga paaralang medikal, na iniiwasan ng mga estudyante dahil sa pangambang makaka-apekto ito sa kalidad ng kanilang edukasyon.

Bagama’t walang tiyak na oras ng pagbabalik sa klase, hinimok ng grupo ang gobyerno na ibalik ang orihinal na akademikong kalendaryo at pagbutihin ang mga kondisyon ng pagsasanay.

Tinanggap naman ni Prime Minister Kim Min-Seok ang pagtatapos ng boykot kung saan, panahon na aniya para masusing pagtuunan ng gobyerno at Kongreso ang mga isyu sa larangan ng medisina upang matulungan ang mga mamamayan sa paglutas ng mga problema.

Ayon sa Korean Medical Association, ipagkakatiwala nila ang kanilang mga plano sa mga ito na magsagawa ng hakbang para ma-normalize ang edukasyong medikal at ang sistema ng pangangalaga sa kalusugan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy na nag-strike ang mga junior doctors dahil sa mga kondisyon ng kanilang trabaho na nagdulot ng pagkaantala sa mga operasyon at pagtanggi sa ilang mga pasyente noong nakaraang taon.