Pagsuspinde it baealigyaan it vape products ukon system online ukon ro Department Administrative Order 2024 -03
-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang mga grupong pangkalusugan sa Kongreso na ipatupad ang ganap na pagbabawal sa e-cigarettes at iba pang nicotine delivery systems sa gitna ng tumitinding paggamit nito, lalo na sa kabataan.

Ayon sa kanila, nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa ilang bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nagpatupad na ng total vape ban, kabilang ang Myanmar at iba pang bansa sa rehiyon.

Batay sa datos ng Institute for Global Tobacco Control, umaabot sa 1.21 milyong kabataan at 1.63 milyong matatandang Pilipino ang gumagamit ng e-cigarettes. Noong 2024, naitala rin ang unang pagkamatay sa bansa na may kaugnayan sa EVALI.

Binigyang-diin din ng mga grupo na may obligasyon ang Pilipinas sa ilalim ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control na magpatupad ng mas mahigpit na polisiya. Nauna na ring nanawagan ang Department of Health ng nationwide vape ban upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng paggamit nito sa bansa.