Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga influencer na patuloy sa pag-eendorso ng illegal online gambling na maaari silang maharap sa kasong syndicated o large-scale estafa.

Ayon kay CICC deputy executive director Renato Paraiso, sumunod na ang karamihan sa mga influencer sa kanilang ultimatum na itigil ang naturang promosyon, ngunit may ilang nagpapatuloy pa rin. Dahil dito, simula Hulyo 15 ay nagsimula nang magpadala ng notice ang ahensiya sa mga lumabag upang hilinging magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan.

Ibinunyag din ni Paraiso na umaabot sa P500,000 kada linggo ang kinikita ng ilang kilalang influencer mula sa promosyon ng mga iligal na sugal online.

Bilang karagdagang hakbang, nakatakdang makipagtulungan ang CICC sa mga social media platform upang ipa-takedown ang mga account ng content creators na patuloy na sangkot sa naturang ilegal na aktibidad.