-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi inaasahang tataas pa ang kaso ng leptospirosis sa mga susunod na araw, kasunod ng pag-stabilize ng mga bagong kaso kada araw.

Ayon sa ahensya, karaniwan ang pagtaas ng kaso isa hanggang dalawang linggo matapos ang pagbaha, bunsod ng incubation period ng sakit. Ito ang dahilan ng pagdami ng pasyente sa ilang ospital gaya ng National Kidney and Transplant Institute, Philippine General Hospital, at San Lazaro Hospital.

Mula Hunyo 8 hanggang Agosto 7, 2025, umabot na sa 2,396 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa buong bansa.

Bilang tugon, nananatiling nakaalerto ang mga DOH hospital, at ilan ay nagbukas ng mga “fast lane” upang mapabilis ang paggamot sa mga apektadong pasyente. Patuloy ring minomonitor ang sitwasyon matapos ang mga pagbaha dulot ng habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.