-- ADVERTISEMENT --
Dumarami ang mga kasong inihahain kaugnay ng anomalya sa flood control habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa ilang opisyal at pribadong indibidwal.
Kabilang sa mga kinasuhan ang dating kongresista at mga opisyal ng DPWH dahil sa substandard na proyekto at umano’y “ghost” flood control projects sa iba’t ibang lugar. Sinusuri rin ang posibleng pagkakasangkot ng iba pang mambabatas.
Nananatiling naka-freeze ang ilang ari-arian at bank accounts sa ilalim ng asset preservation orders, habang nagsasagawa ng civil forfeiture proceedings at masusing pagsusuri sa mga transaksyon.
Sa kasalukuyan, daan-daang kaso laban sa matataas na opisyal ang nakabinbin, kasabay ng mga hakbang upang mapabilis ang imbestigasyon.













