Tiwala at hindi nagdududa ang mga kongresista na makakuha ng 1/3 na boto mula sa mga mambabatas na papabor para ma-impeach si Vice President Sara Duterte upang lubusang maipagpatuloy ang paglilitis sa kaniya sa Senado.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Manila six district representative Bienvenido Abante Jr., positibo siya na magtatagumpay sila sa lower house na mapatalsik ang bise presidente sa pwesto matapos ang unanimous approval ng lahat ng miyembro ng House Committee on Justice sa committee report na may “probable cause” ang reklamong impeachment laban sa bise presidente.
Dagdag pa ni congressman Abante, maraming kongresista ang nagparamdam na boboto pabor sa impeachment laban kay VP Sara.
Dapat aniya nirespeto manlang nito ang mga mambabatas na nagsagawa ng pagdinig ngunit kahit anino manlang nito ay hindi nagpakita kung kaya’t maituring ito na paglapastangan sa kanila.
Sa araw ng Lunes, Mayo 11 aniya ay magkakaroon ng botohan sa plenaryo kaugnay sa reklamo upang ma-impeach si VP Sara.












