-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Saludo si Atty. Axel Gonzales, isang political analyst sa Aklan sa pagkilos ngayon ng Senado upang maimbestigahan in aid of legislation ang pinaghihinalaang maanomalyang flood control projects sa nakalipas na tatlong taon.

Ayon sa kanya saludo siya sa ipinapakitang katapangan ni Senador Panfilo Lacson sa pagbulgar nito sa nakasanayang kalakaran partikular sa paghati-hati ng pondo ng mga korap na politiko, mga kontratista at iba pang sangkot dahilan na kakaunti na lamang ang natitirang pera para sa pagpapagawa ng isang proyekto na kadalasang nagreresulta sa kapalpakan dahil sa paggamit ng substandard na mga materyales.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, umaasa siyang sa pamamagitan ng pagbulgar sa mga maanomaliyang proyekto ay matutukan at mahimay ng mabuti ang budget allocations partikular ang mga ginagawang insertions.

Sa halos 15 kontratista aniya na nakakakuha ng project sa DPWH ay sila-sila lamang ang nag-ri-rigodon batay sa listahan na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Umaasa umano siyang sa pamamagitan ng ginagawang imbestigasyon ng Senado ay may mananagot sa kinurakot na flood control projects lalo na ang mga ghost projects.

Samantala, sinabi pa ni Atty. Gonzales na sa ilalim ng Civil Code ay may pananagutan sa batas ang mga tinaguriang “nepo babies” o anak at kaanak ng mga politikong nadadawit sa kontrobersya sa pag-display ng marangyang pamumuhay sa social media sa harap ng nararanasang gutom at hirap ng bansa.